Monday, June 29, 2009

H1N1 scare..

Malamang sa ngayon eh alam nyo na ang AH1n1 virus na kumakalat ngayon di lang sa Pilipinas kundi sa halos lahat ng bansa sa mundo. Formerly known as swine flu, pinalitan nila ng name due to the impact its causing on our meat and livestock industry. And malamang sa ngayon eh may mga steps nang ginagawa ang bawat company to assure their employees na hindi tayo maapektuhan nito which can lead to the disability of the service or worse, the company.

Sa company namin, which is sited sa proclaimed tallest building right now in the Philippines, may mga prevention and awareness program na rin na ipinapaalam sa mga employees. Isa na rito ang paglalagay ng liquid sanitizers sa bawat location na madalas puntahan ng tao. Meron ding mga nilalagay na alertness kung pano maiiwasan ang h1n1. Tamang paghuhugas ng kamay, at simpleng pagiingat. Nataon naman na flu awareness month tuwing June, kaya libre flu vaccinations sa office.

What I've done naman as self prevention na rin, eh I always bring the usual alcohol, clean face towel para may protection na rin. Its not that ayoko magsuot ng facemasks, pero for now since mild case ng H1N1 lang naman ang tumama sa pinas, I think di ko na kailangan nun, ang mahal pa man din nung special type na face mask, hehe.

So, lets just all be aware nalang sa paligid natin, and kung may nararamdaman tayong di maganda sa katawan, like feverish temperature, o kaya naman nananakit katawan or sore throat (common symptoms of H1N1) pwede naman tayong magpatingin sa mga doctor natin. Gamitin natin yung libreng HMO na provided ng company natin, para masulit naman natin ang pagtatrabaho natin. :) Remember, health is our number 1 asset sa ganitong uri ng trabaho, well actually sa kahit anong trabaho, and we need to make sure that our health is always 100% fit, para walang problema, ayt? :)

Sunday, June 28, 2009

VGH

Umuwi nanaman ako ng maaga kagabi kasi walang mga tumatawag, at masyadong marami ang mga naka-autoin. Meaning ang daming supply, pero walang demand. Kaya naman nagpauwi na sila ng mga tao voluntarily, eto e para lang naman sa mga gustong umuwi kapalit ng lesser work hours. I availed for it, kasi this past couple of days e sobrang queueing, ang daming outages, ang daming sira sa service kaya naman tustado na ung utak ko until last night.

Masaya sana eh, avail, walang calls.

Pero nakakatakot din kung iisipin natin.

Walang mga tumatawag na customer or pumapasok na call sa center natin. Tatlo lang yan.

Its either sobrang working lahat ng facilities and services ng sinusupport nating service, which I, and probably most of you all would do as well, doubt.

Pwede ring nagsasawa na silang tumawag satin at lumipat nalang sila sa ibang provider ng same service.

Or the worst is mababa na talaga ang volume ng calls na ibinabato sa center natin, due to poor performance and quality. Eto ang pinakanakakatakot sa lahat kasi this could lead to account removal pag nagkataon.

Agent din ako gaya ng karamihan, at gusto ko rin naman ng avail kahit papaano. Pero sa bawat di pagtunog ng "toooot" sa ating mga headset which indicates ng bagong call, sana maisip natin na ..

sana masira service nila para may tumawag satin.. haha..

pero seriously, lets all give our best everytime may call tayo para atleast maiwasan natin yung scenario no. 3, diba. Sabi ko nga sa 1st post ko, eto ang pinanggagalingan ng pinangpapakain ko sa pamilya ko, and because of that I will do everything to keep my job. =)

'til next guys. :)

Saturday, June 27, 2009

After call's work..

Eto ang blog na para sa aking mga trabaho after taking in calls.
Yes ako po ay isang proud na callcenter agent.
Hindi nahihiya sa aking trabaho dahil ito na ngayon ang isa sa mga trabahong may pinakamalakas mag generate ng revenue para sa Pilipinas.
Hindi ako nahihiya dahil isa itong marangal na trabaho.
Hindi ako nahihiya dahil dito ko kinukuha ang panggastos ko at ng aking pamilya.
Hindi ako nahihiya maging isang callcenter agent.
Tama naman 'di ba? Bakit ka mahihiya sa trabaho mo eh sa kung iyon ang pinagkakakitaan mo eh.